Sunday, February 28, 2016

Riverbanks

Sa pagitan ay ang tubig na
kumikinang sa mga ilaw ng syudad
binubulag ang kinabukasang tatawirin
ng mga tanaw na tila milya ang pagitan

Sa kabila ng ilog matatanaw ang mga halaman
buhay na alaala ng mga nakalipas na nakatunghay
unti-unti nang natutuyo ang bawat usbong ng pag-asang
mayroon pang babagtas sa tahimik na tubig na pawang luha...iniluha ng paghihintay.

No comments:

Post a Comment