Showing posts with label LDR poems. Show all posts
Showing posts with label LDR poems. Show all posts

Wednesday, June 29, 2016

Sa Ating Pagitan


(halaw sa I'm Coming ng BennyBunnyBand)

Ilang oras na lamang
muli ka na namang mamamaalam
habang gising ang aking mundo,
panaginip mo'y ibabaon sa mga unan
bukas paggising mo mahal,
hahagkan ko ang hangin
na sana sa iyo'y makarating
dahil ako naman ang mananaginip
na muli kang makapiling

Nasanay na tayo sa mga larawan
ng mga bagay na hindi nahahawakan
hindi man pigilan, walang mahahagkan
walang nararamdaman,
maliban sa pag-ibig na namamagitan

Mahal ko, patawad
sa tuwing nais kong hagkan ang iyong palad
o ilapat ang aking kamay
mga daliri ko'y tumulay
sa mga linyang sa ati'y nag-uugnay

Patawad mahal ko sa mga panahon
na nais kitang yakapin, ikahon
sa tuwing ang puso ko'y nababaon,
nauubusan na ng pagkakataon
huminga at huminahon
naiiyak, nanghihina
sa pangungulila
sanlibong luha na bumasa
sa mga kobre kamang
niyayakap mag-isa

Nais ko muling kumapit
sa iyong mga balikat
ang aking mukha
sa iyo'y marahang ilapat
damhin ang iyong paghinga
ang init ng ating pagkakadikit

Patawad mahal ko sa aking panaginip
na muli kang marinig sa tainga'y malapit
Gigising sa iyong tabi
Babasahin ang ngiti
ng iyong labi
halik sa mata'y dadampi

Isayaw mo 'kong muli mahal ko
sa awiting alam na alam natin ang ritmo
Sa bawat galaw, bawat hakbang, kapit ko
Susunod ang katawan sa galaw mo
Isayaw mo ako muli mahal ko
Sa ilalim ng buwan, at sa lahat ng pagitan
ng mga haplos na 'di mamamaalam
kailanman

Ilang oras na lamang
muli na akong mamamaalam
habang gising ang iyong mundo,
panaginip ko'y ibabaon sa mga unan
bukas paggising ko mahal,
hagkan mo ang hangin
na sana sa aki'y makarating
dahil ikaw naman ang mananaginip
na muli akong makapiling.

Sunday, December 20, 2015

Phone Call

Anticipation follows the abrupt vibration with your name on screen,

"Would you let me see beneath your beautiful?" in slow ring.

For seconds, my mind shut blankly staring,

Then the ring worn out, missed the call for nothing.

Minutes to think and clear the mind off oblivion,

My fingers tapped "Why'd you call?" for reason,

It was a long silent moment of again, anticipation.

Then rings.

Then dreams.

Then woke up and slid my finger on screen.

Hello?

Without an idea what words would follow.

Only your voice made sense, then I fall,

With all the care you said before ending the call.

It was a goodbye that sank through my very soul,

But still a goodbye, a farewell after all.

Sa Pagitan ng Gabi at Umaga

Sa pagmulat, pumupungas, aabutin ang larawan
Bubungad sa ngiti ng tila nananaginip pang katinuan
Paligid ma'y binabalot ng nakabibinging katahimikan
             Maghihintay ng mga letrang gigising sa kamalayan.

Nilalabanan ang tuksong bumalik sa paghimbing
Ang unan sa magdamag ay aking muling yakapin
Panaginip ba ay hihigit upang ito ay piliin?
             Hindi. Iiwan ang yapos ng kumot nang ika'y makapiling.

Sa pagitan ng gabi at umaga,
             may Ngiting bumubuo ng araw bago pa man ito magsimula.