Sunday, October 2, 2016

Akap

from Akap by Imago
Pikit-mata 
kong iaalay ang buwan at araw
pati pa sapatos kong suot
Nagtatanong
simple lang naman sana ang buhay
kung ika'y lumayo...

***

Pikit-mata:
Buod ng ating pag-ibig sa iisang salita
Pag-ibig nga ba na binulag ng tadhana?
Tadhana'y naniwala na may iba
sa ating dalawa
na magiging panghabambuhay ang
nagtatamisang salita

Pikit-mata.
Inialay mo ang lahat ng meron ka
Inialay ko ang lahat ng aking magagawa
para sa mga pangarap na tila
maaabot ang langit ngunit...wala

Pikit-mata
na hinawakan ko ang iyong kamay
Nang sinabi mong hindi ako sa puso mo'y may taglay
humahabol sa pag-asang nawalan ka lamang ng kataga
kung paano ipaliliwanag ang kahulugang nawawala

Pikit-mata
kong minahal ang lahat: ang pait, ang sakit, ang pilat
ang pait, ang sakit, ang pilat
nang bawat sugat na sumulat
ng mga kwentong walang pamagat.

Pikit-mata
kong hinarap mag-isa ang katotohanang hindi talaga
maari ang pag-ari sa taong hindi kilala
na nakatago ang kaluluwa mula sa
mga taong nais bumasa, yumakap at tumula

Hanggang sa huli, bulag ako sa kung ano'ng totoo
sa mga ngiting pinagsaluhan
sa iilang pagkakataon ng katuturan
ng damdaming nahulog ngunit walang kahulugan.


No comments:

Post a Comment