Babalik kung saan ang lahat ay nawawala:
Ang mga ngiti sa likod ng bawat katagang pinadala
Mga damdaming pinalipad ng mga letra at musika
Umawit at nagpatahimik sa pusong nababahala
Ng takot na muling masaktan at umasa
Ang ninais lamang ay ang hahabi ng aking mga salita
Sa ritmong puso mo ang maglalapat at kakanta
Dahil ako ay ang aking tula
Dahil ikaw ang aking musika
Nang ang ating akda ay naging isa.
Babalik na ako kung saan ang lahat ay nawawala:
Kasabay ang pagpatak ng luha sa panatag na lawa
Aagos ang alaala ng saglit na pagkakaunawa
Sa kung sino'ng mahal, mahalaga at tama
Aanurin ng marahan, papalayo, saka muling magsisimula
Dahil ang damdamin ng tula at musika ay hindi nagtutugma.
No comments:
Post a Comment