Tuesday, December 31, 2013

Zonal Status: Saang Banda Ka Ba?

Malamang alam na ng marami kung ano ang zonal status. May Friendzone, Seenzone,  Kzone, Sentzone, at kung anu-ano pa. Hindi na kailangan ng malalim na pagninilay kung bakit dumarami ang ganitong mga status. Mula pa noong una meron na nito, pero iisa lang ang tawag: unrequited love. High school na 'ko nang malaman ko ang ibig sabihin n'yan pero elementary pa lang ako, danas ko na yan. Ang punto ko: halos lahat ng tao ay nakaranas na hindi mahalin ng taong mahal nila. (Ouch!)

Sa kabila ng maraming pagkakataon na hindi ibinabalik ang pagtingin ng isang tao, ang mga Pinoy ay nakaisip ng iba't-ibang paraan para sabihing basted sila at walang pag-asa (euphemism, magaling tayo d'yan). Kaya naman nauso online ang mga nabanggit na zonal status. Isa-isahin natin:


  • Friend zone
Matalik na kaibigan. Hingahan ng sama ng loob. Alam mo lahat tungkol sa kanya at lahat ng pinagdaanan nya. Maraming pagkakataon na hiniling mo sa langit na sana ikaw na lang ang minahal nya at hindi na ang kolokoy na wala sa kalingkingan ng kagwapuhan kabaitan mo. Dahil ikaw ang kaibigan, alam mo lahat ng kwentong pag-ibig nya kahit sa loob mo ay nakatali sa katorpehan ang kagustuhan mong ligawan s'ya. (Soundtrack: Kung Ako Na Lang Sana by Bituin Escalante, Halaga by Parokya ni Edgar)

Eh sinubukan mong maglakas-loob. Sinabi mo ang nararamdaman mo, kasabay ng butil-butil na pawis, panlalamig ng mga kamay at tila nakahihimatay na pressure. Ang sabi n'ya, "Sorry, I can only offer friendship." Dumugo ang ilong puso mo kasabay ng (Soundtrack: Sinaktan Mo ang Puso Ko by Michael V., Kaibigan Lang Pala by Sheryl Cruz)
  • Abangers zone 
Sa mga na-friend zone, magpasalamat na kayo dahil mas ok na 'yan kesa naman nasa abangers zone kayo. Hindi pinakamatalik na kaibigan. May common friends lang o kaya naman, nakilala mo lang sa isang event at hindi masyadong nagkausap. Dahil meron na syang significant other, nganga ka na lang dahil hindi ka naman makaporma. Alam mo namang hindi hamak na mas malaki ang ab mo sa 6-pack nya, pero ganun talaga ang buhay. Pwede ka namang maging abangers forever at maging rebounder kapag may pagkakataon. (Soundtrack: Nandito Ako by Ogie Alcasid)
  • K zone
Pero mas mabuti pa rin na nasa abangers zone kaysa naman nasa Kzone ka. Kzone or K.zone or Okzone. Magkakilala kayo at hindi masyado magka-close pero may lakas ka ng loob i-PM, i-DM, i-text, i-IM sya. Kaso ang sagot lang sa'yo ay 'ok.' Mas masaklap naman ang 'k,' at hindi na kinayang lagyan ng 'o.' Pero mas nakakapanlumo ang 'k' dahil dalawang keys lang ang kaya nyang pindutin para sa'yo: 'k+enter'. Makinig ka na lang ng (Soundtrack: Bakit Nga Ba Mahal Kita by Roselle Nava)

Sumubok ka ulit magmessage at na demote ka tuloy sa sumunod na zone. 
  • Seen zone
Dahil makulit ka at hindi ka payag na 'k' lang ang isasagot n'ya, nagbukas ka ng bagong topic na pag-uusapan. At ang tingin n'ya ay nang-aabala ka dahil busy sya sa pagpopost ng selfie nya, kaya tiningnan lang nya ang post mo at bumalik na sa kanyang importanteng status na 'feeling.' (Soundtrack: Kailan by Smokey Mountain)
  • Sent zone
Kahit nasa seenzone ka na, hindi ka pa rin sumuko. Alam mong balang araw, kakausapin ka rin nya at napagtatanto nya ang alindog at karismang meron ang kaibigan mo ka. Nag-PM ka ulit at sa lahat ng PM mo, hindi man lang lumalabas ang 'seen.' Malamang sa malamang, ni-click lang n'ya ang messages pero nang makitang ikaw, hindi na n'ya binuksan. Tapos 'marked unread.' Habang ikaw ay naghihintay na makita man lang n'ya ang kakesohan mo, bumalik na s'ya sa pagpose para sa OOTD n'ya. (Soundtrack: Naghihintay by Jacob)
  • Offline zone
Lagi kang nag-PPM sa tuwing makikita mo syang online, at napansin nyang lagi kang updated kung anong oras sya maglolog-in. Kaya naman nag-customize na sya ng settings ng chatbox nya at nakaoffline na sya sa specific people named YOU. Paano mo malalaman na ganoon na ang status mo? Kapag nakikita mo pa rin sya sa newsfeed at nakikipag-interact sa lahat ng friends nya samantalang sa kanya ay offline ka. Bigyan natin ng benefit of the doubt: Baka naman nakaoffline talaga sya sa lahat. Kung sya ay sikat na tao, maaaring umiiwas sa spot interview; kung kagandahan, umiiwas sa stalker. Asa ka pang magoonline sya? Ikaw ang bahala. (Soundtrack: Umaasa by 6 Cycle Mind)
  • Fan zone
Dahil offline sya lagi, napunta ka na sa Fan zone. Nag-lalike ng status, nagreretweet ng "JWU" nya, hindi makapag-comment dahil hindi naman sya sumasagot sa thread. Nagbubukas ka na lang ng profile nya  maya't maya para malaman kung may bagong post. Sya na ang laman ng bookmarks mo para sa bawat bukas ng laptop o ng cp mo ay page nya ang una mong pupuntahan. Binabasa mo ang lahat ng post nya hanggang makarating ka sa "Joined Facebook _____" part ng timeline. Kung personal ang pagkakakilala ng nasa friendzone sa isang nagugustuhan, ang fan naman ay detayaldo mula sa laman ng birth certificate, baptismal, facebook, twitter, blog, plurk, at kung anu-ano pa. In short, nakasubscribe sa buong pagkatao ng taong sinusundan. (Soundtrack: Suntok sa Buwan by Eraserheads)
  • Stalker zone
May napakanipis na linyang naghihiwalay sa isang fan at isang stalker. Ang fan ay kaaya-aya, ang stalker ay pangit. The end. (Wala kang soundtrack kasi malamang malapit ka na nyang i-block. Move on ka na lang.)

Para sa lahat ng sawi at magbabagong-taon mag-isa: Cheers! Masayang maging single kesa dumami ang  soundtrack na maririnig mo. Ktnxbye.


*Tagalog po ang blog na ito kaya ipagpatawad nyo kung puro OPM ang nilagay ko. Alam ko, marami kayong paboritong emo foreign songs pero pagbigyan nyo na ko. Happy new year!

4 comments:

  1. Ouch ha... kainis ka. Lahat yata nadanas ko. Sa seen zone ako hurt kasi ung mga after nun, hindi ko na iniisip kasi positive thinker naman ako...hyyyy... im a loser! ...and I lurve it! Kakapagod na mag-isa! Pero sanay na. Wala namang choice eh!

    ReplyDelete
  2. Hugs!!!!!! Life is unfair, 'no? Pero ok lang 'yan! Kaya nga tayo may mga kaibigan! :D We're not losers! We won what we call freedom from all the demands of a committed life. Cheers sa mga single na masasaya! :D ang daming exclamation points LOL

    ReplyDelete
  3. sarap kapag maraming kaibigan.... naranasan ko na rin ung iba diyan... lalo na ung offline zone....

    minsan naman ako ang gumagawa hehehe....

    Happy New Year !

    ReplyDelete
  4. LOL. offline zone. ginagawa mo RIN pala un. hahaha. salamat sa pagbisita! Happy new year!

    ReplyDelete