Monday, December 30, 2013

Hindi Lang New Year's Resolution ang Pwedeng Ihanda sa Bagong Taon

Sa paglipat ng bagong taon, hindi naman nawawala ang mga pamahiin, pangako ng panibagong simula, paniniwala sa swerte at pag-iwas sa malas. Wala namang masama sa lahat ng ito. Huwag lang natin kakalimutan ang nagdaang taon. Sakit na kasi ng mga Pinoy ang pagkalimot---kung paano nakalimutan ang Hacienda Luisita case, ang Hello Garci scandal, at Maguindanao massacre. Ok, 'wag pulitika. Marami tayong nakakalimutan: pamilya, magsaya, matuto sa pagkakamali, at minsan nakakalimot na pati sa sarili. Huwag natin kalimutan ang 2013.


Heto ang pwedeng gawin maliban sa maglista ng new year's resolution---ilista ang lahat ng natutunan natin sa nagdaang taon: pagkakamaling hindi na gagawin, mga napagtanto mo, mga aral na sapilitang pinapulot sayo ng mga pagkakamali mo at marami pang iba. Uunahin ko na ang listahan ko.

Dear Jem, 
  1. Masayang maglakwatsa kapag marami kang kasamang kaibigan.
  2. Dapat bino-block ang mga lalaking committed at nanlalandi.
  3. Ang bumabalik na ex ay nakikipaglandian lang.
  4. Yumakap ng isang mahalagang tao kada araw para hindi ka malungkot.
  5. Ang trabaho ay hindi nauubos kaya dapat mag-recharge.
  6. Makipagkilala sa mga bagong kaibigan at palawakin ang mundo mo.
  7. Laging may taong naghihintay na mapakinggan mo pero huwag araw-arawin ang Starbucks dahil magiging acidic ka na naman.
  8. Maging blessing para sa lahat ng makakahalubilo mo.
  9. Dapat alam mo kung ano ang gusto mo at matuto kang panindigan 'yon.
  10. Kailangan mo ng love life maniwala ka man o hindi.

Lovelots,
Jem 2014

Ok na siguro ang sampu. Mahina ang memory ko eh. Ikaw, ano ang sa'yo?

6 comments:

  1. ayos sa olrayt tumambay dito sa crib mo, madami ako mapupulot na aral. katulad nyang number 2 and 3 mo. itataga ko yan sa bato.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakarelate ka ba? hahaha. salamat sa pagtambay! :D sa susunod uling post. :)

      Delete
  2. Replies
    1. nung nadepress ako, yan ang ipinayo sa akin ng friend ko. yumakap ng kahit 5-10 people kada araw. nakatulong talaga. Yung pagrerecharge, natutunan ko yan noong naconfine na ako. LOL.

      Delete
  3. okay ah -- mas like ko ito "Ang trabaho ay hindi nauubos kaya dapat mag-recharge"

    tama nga naman...

    sa amin dati.... daming pamahiin pag New Year.... ung iba sinusunod namin hehehe...

    alam ko magiging okay ang year 2014 mo.... Happy Happy New Year....

    ReplyDelete
  4. Sa amin nanay ko na lang ang naniniwala sa pamahiin, pero sinusigurado namin na magkakasama talaga kami sa bagong taon. Maraming salamat, maging maganda rin sana ang 2014 mo. Happy new year! :D

    ReplyDelete