(Halaw sa 43 Sunsets ni Burn Mercado)
Binabasag na naman ng ulan ang larawan ng nakaraan
Basang-basa na ang daan, umaagos ang luha ng kalangitan
Nakikiramay sa damdamin kong binabaha na ng tuluyan
Nilulunod ako sa dalamhating humahati sa aking kaibuturan
Nasaan ka na kaya sa malamig na panahong gaya nito?
Muli mo bang isusuot ang mga medyas na pareho tayo?
Magkukulubong ka pa rin ba ng kumot gaya ng dating gawi mo?
Oo, makasama kang muli sa ilalim ng kumot ang gusto ko
Binubugbog ng hangin ang bintanang kasing rupok ng puso ko
Na pasa-pasa na sa paasang dinimdim ko para lang manatili sa'yo
Ngunit nangingitim na ang mga markang dapat paghihilumin mo
Kasing dilim ng kulimlim na hindi mahahawi hanggang sa paglayo
Ngayong inaagos na ng tubig ang gamit, buhay at alaalang matatangay nito
Dalangin ko rin na tangayin ng agos ang nalulunod na rin lang na puso
Wala nang sasagip dahil walang lalangoy sa pusali at tubig kanal ng 'tayo'
Ng pagmamahal na tinawag mong 'tayo' pero lagi na lamang tungkol sa 'yo
Nakatunganga pa rin ako sa bintana, sa kawalan ng buhay, sa kawalan
Nakakahon sa pader ng ating mga away, sinemento, pinagtibay, sinaraduhan
Nakalimutan mo mahal, na lagyan ng pintuan bago mo pinapalitadahan
Nang mapagtanto ko, mag-isa ko na lamang inilatag ang ating higaan
Higaang naging saksi sa mga larawan ng saya, galit, lungkot, takot
Lahat ng mayroon tayo, sa gitna ng magdamag sa ilalim ng kumot
Pero di ka nanatili gaya ng pagbaon ng iyong mga daliri sa aking balikat,
nag-iwan ng sugat, ng pilat nang hindi mo maikakailang ako'y naging sapat
'Di mo man lang nilagyan ng bisagra ang pintuan upang kita'y masundan
Hindi man lamang kandado na may susing itinago, hahanapin ko na lamang
Hindi mo hangad na ako'y lumabas ng kwartong nilisan mo ng walang balikan
Gayong ang bugso ng damdamin ko ay hihigit pa sa delubyong dala ng ulan
Sa gitna ng tikatik ng ulang bumibingi, higit pa sa hinagpis ng katahimikan
Sa loob ng tuyong kwarto na binasa na ng luha at natigang sa tawanan
Mga luhang naghihintay ng habangbuhay, ng pagpapahingalay, ng kawalan ng saysay
Habang humahangos ang hangin, hinahabol ang dapit-hapon hanggang bukang-liwayway
Ang kulimlim ay naging dilim at bumalot na muli sa akin
Isang magdamag na naman ng mga panaginip na hindi ka kapiling.

***
If you like the poem, you can listen to it here.
No comments:
Post a Comment