Sunday, December 20, 2015

Kahit Saan Man

Sa likod ng haligi nagkukubli ang lahat ng pagsulyap ng pag-asang may bukas kayo.

Sa likod ng haligi susulyap ang iyong halaga na mistula nang panaginip na kay tagal mo nang binitiwan at naglaho.

Sa likod ng haligi, may pag-asam, may pagsulyap, may pagsuyo
may damdaming kumukurot at nagpapaiktad sa mahiyain, mapaglaro, matatakutin mong puso.


Sa gilid ng pasilyo may tumitigil na orasan.

Sa baitang ng hagdan may hiningang napipigilan.

Sa gitna ng kalsada may hawak na ayaw mo nang bitiwan.

Sa loob ng silid may ngiting pinipigilan.


Sa pagbukas ng pinto may pagtango na tanging turan

Sa pagsara naman nito may paglingon na iniiwasan

Sa paglisan may pag-asang muling masisilayan

Sa pagbalik naman nito may kinukubling pagdiriwang.


Kahit saan man ay may damdaming umaagos

Ayaw nang umahon kahit malapit nang malunod.

No comments:

Post a Comment