Sunday, December 20, 2015

Bawat Tipa ng Tiklada

Sa bawat bigkas ng salitang di naririnig

ang bawat tiklada ang nangungusap sa isip



Sinisiping ligaya at lungkot sa mga letra

Sa paglapat ng tinta, sa pagtipa sa makinilya

Doon ko rin nakilala ang kaibigang nagtiwala

Sa pagsulat ako’y muling umibig at nagpalaya



Sa bilyong tao nga naman, ang isip ay iisa

Pagtibok ng sentido, pawang gawa ng musa

Sa pagdatal ng inspirasyon, sa pagsulat ng pluma

Ugnaya’y di na lamang dugo, bagkus ay ideya



Sa iyong pagiging tunay, salamat kaibigan

Panig man ng mundo mo, sa akin ay kasukalan

‘Pagkat sa bawat bigkas ng salitang di naririnig

Ang bawat tiklada ang nangungusap sa ating isip

No comments:

Post a Comment