Sunday, December 20, 2015

Naaalala Kita

Sa malamig na gabing tanaw ang lawa

Ating tinunghayan ang ilaw sa kalayuan

sing layo ng pangarap na suntok sa buwan

at ng ating pag-ibig na inaasam-asam

puno man ng agam-agam ang bawat hakbang

sa kung anong tutunghin at kahihinatnan,

lahat ay napapawi ng ngiting nagpalukso

sa pusong  matagal nang pinatigas at pinagyelo.


kaysarap pagmasdan ng iyong mga mata

habang ito'y nangungusap ng pag-ibig na walang duda

habang ang iyong kamay ay humahaplos sa aking balat

ramdam ko ang pagnanasang muli ika'y mayakap


hindi ko na mahintay ang muling pagdatal

ng araw na muli qng madarama

ang iyong halik

iyong yakap

iyong init

na lumusaw sa lahat ng aking pangamba.

No comments:

Post a Comment