Sunday, December 20, 2015

Gabi ng Karamdaman

Sa dilim ng gabi at sa pagpitik ng kamay ng orasan

Malilimi ng isipan ang pag-aalalang di matutumbasan

Malambot mang kama ang iyong kinalalagakan

Hindi pa rin sasapat palisin ang dinaramdam.



Ibayong pag-iingat ang mahigpit na tagubilin

Ngunit salita’y hungkag, kung salat sa pagtalima rin

Usal ang litanya ng dasal upang Kaniyang pawiin

Karamdaman sa gabing tahimik at puspos ng panalangin.

No comments:

Post a Comment