Sunday, December 20, 2015

Takip-silim

Naghahalong liwanag

ng pulang pag-ibig

at dilim ng sasapit na gabi

muling bibighani at kakanti

sa damdaming nalulumighati

Pangarap mang halikan ng tubig ang araw na lumilisan,

kahit na ilan pang takip-silim ay di sya mapagbibigyan

Lumuha man ang tubig

lahat ay tila walang pupuntahan

muli't-muli lamang niyang tutunghayan

ang liwanag na inaasam

bumaba man ang haring araw at makipag-niig

umasa man ang tubig at patuloy na maniwala

paulit-ulit syang mabibigo

pagkat ang marubdob na halik ng araw sa tubig

ay hanggang ilusyon lamang

na pawang mga tao ang nakamamasid

mga taong walang sawang nabibighani ng ganda

ganda ng pag-ibig na bigo at walang hantungan

pagnanasang hindi kailanman pahihintulutan

hindi iuukit, hindi pagbibigyan


Hindi man tadhana na pag-ibig ay basbasan

patuloy pa rin ang takip-silim hanggang ang mundo'y imiikot

at ang tubig ay umaasa sa karimlam.

No comments:

Post a Comment